^

Bansa

2 SAF troopers na bodyguard ng Chinese sibakin – PNP chief

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinasisibak ni Philippine National Police (PNP) chief PGen. Rommel Francisco Marbil ang dalawang miyembro ng Special Action Forces (SAF) na nag “moonlighting” bilang security guards ng isang Chinese national.

Ayon kay Marbil, layon nilang ibalik ang tiwala at imahe ng PNP subalit may iilang pulis naman na tila humahadlang sa kanilang layunin.

“Hindi po tama. It affects ‘yung PNP as a whole and remember ang hinahabol namin is to bring back our dignity,” ani Marbil.

Aminado si Marbil na nais niyang dismissal at hindi lamang suspensiyon ang ipataw ng Internal Affairs Service (IAS) sa mga pulis sakaling mapatuna­yang may pagkakamali.

Ani pa ni Marbil, ang pulis ang dapat na nagpapakita ng katiwasayan, kaayusan at tamang pagseserbisyo sa publiko at hindi nasasangkot sa anumang katiwalian.

Inamin ng mga pulis, kapwa naka-deploy sa Zamboanga City, na nagtatrabaho sila bilang personal bodyguards ng isang Chinese sa Alabang, Muntinlupa City.

Samantala, kasalukuyang nasa ilalim ng restrictive custody sa SAF Headquarters sa Fort Sto. Domingo sa Santa Rosa City, Laguna ang mga naarestong parak na sumailalim sa preliminary investigation para sa alarm and scandal charges sa Muntinlupa City Prosecutor’s Office.

“Meron tayong nakitang talagang lapses, delibe­rate na pagkakamali pero imbestigahan natin. Kapag may makita pa tayong mas malaking maisasama diyan wala naman tayong sasantuhin diyan,” ani SAF Director Police Brigadier General Mark Pespes.

Isasailalim din ang pito pang pulis na sangkot sa isyu sa kustodiya ng pasilidad.

Alinsunod sa alituntu­nin ng PNP, tanging Police Security Protection Group ang pwedeng magbigay ng seguridad sa mga awtorisadong indibidwal.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with