^

Bansa

LPA, magpapa-ulan sa bansa

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
LPA, magpapa-ulan sa bansa
Ayon sa PAGASA, ang LPA ay maaaring mabuo malapit sa Eastern Visayas o sa Caraga Region
PAGASA

MANILA, Philippines — Inaasahang mabubuo ang isang low pressure area (LPA) malapit sa Visayas at Mindanao sa Lunes na magdadala ng mga pag-uulan sa buong bansa.

Ayon sa PAGASA, ang LPA ay maaaring mabuo malapit sa Eastern Visayas o sa Caraga Region

Sinabi ni Benison Estareja, weather specialist ng PAGASA, oras na mabuo ang LPA sa Eastern Visayas ay mula Lunes at Martes naman ay tatawirin nito ang silangang bahagi ng Pilipinas papunta sa eastern part ng Luzon na maaaring makaapekto sa Habagat sa Luzon, Visayas at kanlurang bahagi ng Mindanao.

Sinabi ni Estareja na may ikalawang scenario na posibleng may mabuo ulit na LPA malapit sa Eastern Visayas o Caraga region sa Lunes hanggang  Martes at maaaring tumawid ito sa naturang sirkulasyon papuntang Visayas hanggang makarating sa Mimaropa na maaaring magdala ng mga pag-ulan sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Anya sa ngayon, ang easterlies o ang hangin mula sa Pacific Ocean ang nagpapaulan sa bansa lalo na sa Davao Region, Agusan del Sur at Surigao del Sur.

vuukle comment

LPA

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with