^

Pang Movies

Young actor nagwala, gustong magpasagasa sa taxi

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pilipino Star Ngayon

Hindi pala mapigilang mawala sa kanyang sarili ang young actor na ito na naging produkto ng isang reality show.

Ilang beses na raw itong pinagsasabihan ng kanyang manager na tigilan na ang pagpunta sa mga bar dahil nauuwi lang daw ito sa pakikipag-away tuwing nakakainom ito ng marami.

Ilang beses na rin na nakipag-areglo ang mga kasama ni young actor tuwing tinotopak, dahil sa nilaklak nitong alak.

Kailan lang ay may ginawa na namang hindi maganda ang young actor at mabuti na lang hindi siya pinatulan ng taxi driver na inaway-away niya. Or else ay baka duguan na si young actor at sa ospital ang bagsak nito.

Nakipag-inuman kasi ang young actor sa kanyang mga non-showbiz friends at hindi ito nagdala ng sasakyan dahil wala ang kanyang driver at pinagbawalan siyang mag-drive ng kanyang manager kapag nakainom ito dahil baka mahuli pa at makulong for drunk driving.

Noong makarami nang nainom, sinabihan na siya ng mga kaibigan na umuwi na dahil mahirap na raw kapag sa bar ito mag-pass out.

Noong pumapara ng taxi ang lasing na young actor, hindi niya alam na may nauna na sa kanyang babae sa paradahan ng taxi kaya ito ang isinakay ng dumaang taxi.

Nagulat na lang ang taxi driver at ang pasaherong babae nang biglang tinutuktok ng young actor ang windshield ng sasakyan. Sabay sigaw daw ang young actor ng ‘Hindi mo ba ako kilala? Artista ako! Bakit hindi mo ako isinakay? Hindi mo ba ako napapanood sa TV?’”

Ingat na iniwasan ng taxi driver na masagasaan niya ang lasing na young actor, pero humaharang daw ito sa daanan nila.

Inawat na raw ng security guard ang lasing na young actor, pero patuloy pa rin ang pagwawala nito. Hanggang sa maabutan na ito ng kanyang mga kaibigan kaya sila na ang umawat sa nagwawalang young actor.

Nag-sorry ang mga ito sa taxi driver at sa pasahero dahil nasobrahan sa pag-inom ang young actor.

Sinabi na lang ng taxi driver na hindi niya kilala talaga ang young actor at kung sinasabi nga nitong artista ito, kumilos ito ng maayos at hindi parang talamak na lasenggo sa kanto.

Lea Salonga TYPE ng Il Divo sa world tour

Umani ng standing ovation si Lea Salonga sa kanyang naging performance sa concert ng Il Divo na A Musical Affair sa Dolby Theater in Los Angeles, California.

Inawit ni Lea ang mga Broadway tunes na A Whole New World, Defying Gravity, I Dreamed A Dream, and On My Own.

Nakipag-duet din si Lea sa apat na miyembro ng Il Divo na sina Urs Bühler, David Miller, Carlos Marîn, at Sébatien Izambard.

Ang grupo mismo ang nag-imbita kay Lea dahil sikat na sikat ito sa musical theatre community sa Broadway.

Nasa plano raw nila na isama si Lea sa kanilang world tour.

Galing na mismo kay Lea na hindi siya fan ng Il Divo at doon lang niya sa concert nakilala nang husto ang grupo.

 â€œI didn’t buy every single album of Il Divo even though I knew I was going to be a part of the show. But I bought the very latest one because I needed to study the music.

 â€œBut it has been incredibly fun and discovering their music and discovering each of them as individuals with this tour. They are all very different.

 â€œCarlos is incredibly outgoing and wears his heart on his sleeve. David, we are buddies in this tour. We get along really, really well.

He is very funny. Sébastien is very sweet, very lovely, and very committed to his family. Urs loves heavy metal and motorcycles. He knows six languages,” pagtatapos pa ni Lea.

Lindsay Lohan nalaglag ang pinagbubuntis habang nagti-taping

Ni-reveal ng kontrobersyal na Hollywood actress na si Lindsay Lohan na nakunan siya habang nagte-taping ng kanyang reality show na Lindsay para sa OWN (Oprah Winfrey Network).

Sa final episode ng kanyang reality show, nagpasabog si Lohan na ikinagulat ng lahat ng mga involve sa show.

 â€œNo one knows this... I had a miscarriage for those two weeks that I took off.

 â€œIt’s a very long story, but that’s why on the show when it says she doesn’t want to come down, I couldn’t move, I was sick. Mentally, that messes with you,” pahayag pa ni Lindsay.

Hindi binanggit ng aktres kung sino ang ama ng kanyang na-miscarriage na baby.

vuukle comment

ACTOR

IL DIVO

KANYANG

LEA

LEA SALONGA

YOUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with