Tots, Paat nag-tryout sa Korea
MANILA, Philippines — Sumalang sina Premier Volleyball League (PVL) MVP Tots Carlos ng Creamline at opposite spiker Mylene Paat ng Chery Tiggo sa three-day tryouts sa South Korea.
Susubukan nina Carlos at Carlos na makapaglaro sa Korean league kaya’t sumailalim ito sa 2024 Korean V-League (KOVO) Women’s Asian Quarter Tryouts mula noong Abril 29 hanggang ngayong araw, Mayo 1.
Dahil sa tryouts, hindi nakapaglaro sina Carlos at Paat sa opening day ng round-robin semifinals ng PVL All-Filipino Conference kahapon.
Nakita sina Carlos at Paat sa mga pictures na ipinost ng KOVO sa kanilang mga social media acounts.
Ito ang unang pagkakataon na susubok si Carlos na makapaglaro bilang import sa international league.
Malalim na ang karanasan nito kay’t malaki ang posibilidad na makuha ito ng isang team.
Sa kabilang banda, naging import na si Paat sa abroad.
Nasilayan ito sa Thailand Volleyball League sa Bangkok kasama ang Nakhon Ratchasima noong 2021-2022 season.
Maganda ang kanyang debut sa abroad dahil naka-tanso ito sa Thailand.
Itinanghal pa itong Best Scorer sa Thailand Volleyball League.
Wala pang pormal na statement sina Carlos at Paat sa naturang tryouts.
- Latest