^

PSN Palaro

Pahirapan ang serye sa Ginebra — Trillo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Pahirapan ang serye sa Ginebra � Trillo
Itinabla ng Bolts ang kanilang best-of-seven showdown ng Gin Kings sa 1-1 matapos agawin ang 103-91 panalo sa Game Two noong Linggo mula sa naunang 88-92 kabiguan sa Game One.
STAR/File

MANILA, Philippines — May dalawang araw pa si Meralco coach Luigi Trillo bago maglatag ng bagong game plan laban sa Barangay Ginebra sa kanilang Season 48 PBA Philippine Cup semifinals series.

Itinabla ng Bolts ang kanilang best-of-seven showdown ng Gin Kings sa 1-1 matapos agawin ang 103-91 panalo sa Game Two noong Linggo mula sa naunang 88-92 kabiguan sa Game One.

Aminado si Trillo na mahirap madalawahan ang tropa ni two-time PBA Grand Slam champion mentor Tim Cone sa isang serye.

“It’s so hard to win back-to-back in a series and it’s most especially so against Ginebra,” wika ni Trillo . “We know we’re capable, we know we can, but we really have to be detailed in things we do. We know there would be struggles.”

Pag-agawan ng Meralco at Ginebra ang 2-1 bentahe sa serye sa Game Three bukas sa Dasmariñas Arena sa Cavite.

Kumpiyansa si Trillo na muli nilang tatalunin ang ‘never-say-die’ team sa ikalawang sunod na pagkakataon.

“There’s certain things we’re giving up and certain things we’re taking away. It’s a best of seven and we believe the more we do those things better, we have a better chance,” wika ng one-time PBA champion coach.

Samantala, hangad naman ng San Miguel na makalapit sa sweep sa Rain or Shine sa Game Three matapos iposte ang 2-0 lead sa kanilang serye.

Nilagok ng Beermen ang 106-98 panalo sa Elasto Painters sa Game Two.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with