^

PSN Palaro

Lady Cardinals umeskapo sa Lady Generals

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinandalan ng Mapua University sina rookie duo Raissa Ricablanca at Freigh Anne Garcia upang walisin sa tatlong sets ang Emilio Aguinaldo College, 25-19, 25-16, 25-21, sa NCAA Season 99 women’s volleyball tournament na nilaro sa FilOil EcoOil Centre  kahapon.

Bumangon mula sa pagkakadapa ng dalawang sunod ang Lady Cardinals upang ilista ang 2-2 card habang nalasap ng Lady Generals ang four-game losing skid.

Sumalo sa three-way tie sa No. 4 ang Mapua habang nabaon sa ilalim ng team standings ang EAC na may 0-4 karta.

Nagtala si opposite hitter Ricablanca ng 16 points kasama ang 13 attacks, dalawang service aces at isang block.

Samantala, nakigulo sa tuktok ng team stan­dings ang Lyceum matapos pagpagin ang University of Perpetual Help, 25-21, 24-26, 18-25, 25-22, 15-11 sa unang laro.

Tangan ang malinis na apat na panalo, kaparehong kartada ng Intramuros-based squad ang defending champions College of Saint Benilde Lady Blazers at Letran Lady Knights.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with