^

PSN Palaro

Con-vin-cing!

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Pinasarap lang ang laban.

Sa tingin ko, ‘yan ang ginawa ni Eumir Marcial kay Thoedsak Sinam ng Thailand noong Sabado sa Ninoy Aquino Stadium.

Nag-showtime si Eumir dahil sayang nga naman ang ipinunta ng mga bisita niya kung maagang matapos ang laban.

Again, non-title fight.

So, nagpapawis muna si Eumir na kasalukuyang naghahanda para sa Paris Olympics sa July.

Sabi ni Quinito Henson, ang batikang sportscaster, sinundut-sundot lang ni Eumir si Sinam sa opening rounds.

At pagdating sa fourth, sineryoso na. One left uppercut lang ang kailangan para sa knockout.

Pabagsak pa lang si Sinam, alam ko nang dehins na tatayo.

Parang nanigas ang katawan sa sahig. Alerto ang mga officials at agad siyang nilagyan ng oxygen mask.

Dehins ako nagulat sa resulta. May 5-0 record na si Eumir as a pro. Laglag ang record ni Sinam sa 23-14.

Well, ang importante, sensational ang panalo ni Eumir.

Sabi nga ng Motolite commercial: Convincing!

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with