Davis, James binanderahan ang panalo ng Lakers sa Pacers

Ibinitin ni center Anthony Davis ng Lakers ang kanyang layup para makaiwas kina Pascal Siakam at Tyrese Haliburton ng Pacers.

LOS ANGELES — Hu­ma­kot si Anthony Davis ng 36 points at 16 rebounds para banderahan ang La­kers sa 150-145 paggupo sa Indiana Pacers.

Kumolekta si LeBron James ng 26 points at 10 assists para sa highest-sco­ring performance ng Los Angeles (39-32) sa lo­ob ng 37 taon.

May 26 markers din si Spencer Dinwiddie, habang may 25 points si Austin Reaves.

Pinangunahan ni Pascal Siakam ang Indiana (40-32) sa kanyang 36 points at may 20, 17 at 12 markers sina Myles Tur­ner, TJ McConnell at Ty­rese Haliburton, ayon sa pagkakasunod.

Inilista ng Lakers ang 116-99 papasok sa fourth quarter, ngunit nakalapit sa tatlong puntos ang Pacers mula sa kanilang 46-point final period.

Sa Milwaukee, nagsu­mite si Giannis Anteto­kounmpo ng 30 points at sea­son-high 19 rebounds, habang inilista ni Khris Middleton ang ikalawa niyang career triple-double sa tinapos na 11 points, 10 re­bounds at 10 assists sa 118-93 paggiba ng Bucks (46-25) sa Oklahoma City Thunder (49-21).

Sa Minneapolis, tumipa si Anthony Edwards ng 23 points kasama ang tatlong free throws sa huling 12 se­gundo sa 114-110 paglusot ng Minnesota Timberwolves (49-22) sa Golden State Warriors (36-34).

Sa Los Angeles, umiskor si Tobias Harris ng 24 points, samantalang kinamada ni Tyrese Maxey ang19 sa kanyang 24 mar­kers sa second half para gabayan ang Philadelphia 76ers (39-32) sa 121-107 pagpapatumba sa Clippers (44-26).

Sa Miami, humataw si Haywood Highsmith ng 18 points para tulungan ang Heat (39-32) sa 121-84 pagsunog sa Cleveland Cavaliers (43-28).

Sa Detroit, nagpasabog si Zion Williamson ng 36 points para pangunahan ang New Orleans Pelicans (44-27) sa 114-101 paggiba sa Pistons (12-59).

Show comments