2025 SEAG berth target nina Mojdeh at White
MANILA, Philippines — Sunod na pagtutunan ng pansin nina World Juniors Championships veterans Micaela Jasmine Mojdeh at Heather White na makapasok sa national team sa 2025 Southeast Asian Games na idaraos sa Bangkok, Thailand.
Sariwa pa sina Mojdeh at White sa kampanya sa katatapos na 2024 Asian Age Group Swimming Championships sa New Clark City sa Capas, Tarlac.
Parehong nakasungkit ng tansong medalya sina Mojdeh at White sa Asian meet.
“Yung target talaga namin makapasok sa SEA Games next year sa Thailand. That’s why we’re really working hard, training hard to ensure that we are in perfect condition,” ani Mojdeh.
Magdaraos ng tryouts para sa Thailand SEA Games sa Agosto upang mabigyan ng pagkakataon ang mga swimmers na magkuwalipika.
Nakasungkit si Mojdeh ng tansong medalya sa girls 15-17 200m butterfly event matapos magtala ng dalawang minuto at 21.87 segundo.
Nagparamdam din si White nang umanit ito ng dalawang tanso sa 100m freestyle (57.86) at 100m butterfly (1:03.09) events.
“I’m trying to aim for the SEA Games and I know that the Philippines has a SEA Games qualifier in August so for the next couple of months I’m going to be training really hard for that,” ani White.
Maliban kina Mojdeh at White, kumuha rin ng medalya si Batang Pinoy standout Jamesray Ajido.
Nakasungkit si Ajido ng isang ginto, isang pilak at isang tanso sa boys’ 12-14 event.
- Latest