^

PSN Palaro

Ilustre East lumapit sa titulo ng COPA swimfest

Philstar.com
Ilustre East lumapit sa titulo ng COPA swimfest
Patricia Mae Santor
Contributed photo

MANILA, Philippines -- Limang gintong medalya ang nilangoy ng Ilustre East Swimming Club sa pamumuno nina multi-medalists Patricia Mae Santor at Kristoff Daniel David sa Day Two ng Congress of Philippine Aquatics (COPA) National Capital Region ‘One For All-All-For One Swimming Championships kahapon sa Teofilo Ildefonso Swimming Center sa Malate, Manila.

Nanguna si Santor, Grade 11 student sa University of Santo Tomas, sa girls’ 16-yrs 100m freestyle sa bilis na 1:04.16 kasunod sina Savinnah Oliveros ng Flying Lampasot (1:04.29) at Jhoey Gallardo ng Coach King Club (1:06.99).

Ito ang ikaanim na gold ni Santor na miyembro ng Philippine Team sa Asian Age Group tilt noong Pebrero sa Clark.

Nauna na siyang nanalo sa Day One sa girls’ 16-under 400m Individual Medley (5:21.84), 200m freestyle (2:18.47), 100m butterfly (1:06.89) habang nanguna sa 400m medley relay team (4:56.87). May silver medal siya sa 100m breaststroke.

Inangkin naman ni David ng Antipolo City ang kanyang ikalawang ginto nang manalo sa boys 17-yrs 50m backstroke sa tiyempong 29.22 segundo laban kina Kiko Mirasol ng Betta Team (30.86) at Janne Simeon ng Flying Lampasot (31.74).

Nagwagi rin siya sa 400m Individual medley (5:09.03) sa Day One.

Humakot ang mga IESC swimmers ni national coach Ramil Ilustre ng 21 gintong medalya sa pagbubukas ng torneo noong Biyernes para palakasin ang kampanya sa three-day event na may basbas ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) at suportado ng Speedo at Philippine Sports Commission (PSC).

“Maganda ang preparasyon. Hindi masyadong loaded sa training para kondisyon lagi, nakaprograma na kasi iyong Palarong Pambansa, tapos national tryouts na talagang target naming makakuha ng slots for Philippine team,” sabi ni Ilustre.

Samantala, lumangoy si Aishel Evangelista ng ginto sa boys’ 14-yrs 100m freestyle (57.56) at sumegunda kay Kean Paragatos (31.34) sa 50m backstroke.

Ang iba pang nanalo sa Day Two para sa Team Ilustre ay sina Raven Alcoseba sa girls’ 18-over 50m back (33.10) at Von Andrei Pinon sa boys 12-yrs 50m back (34.02) at 100m free (1:03.72).

vuukle comment

SWIMMING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with