^

PSN Palaro

Red Robins nakawala sa Junior Altas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumanat si Boboy Mangubat ng 25 points, kasama ang 11 sa fourth period, para sa 72-71 pag-eskapo ng Mapua University laban sa University of Perpetual Help sa NCAA Season 99 juniors basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan City.

Binura ng Red Robins ang isang 10-point deficit para resbakan ang Junior Altas at magsosyo sa liderato kasama ang Letran Squires sa magkakatulad nilang 5-1 record.

Sa unang laro, nagposte si Titing Manalili ng 15 points, 9 assists, 3 rebounds at 1 steal sa 83-69 paggupo ng Squires sa Emilio Aguinaldo College Brigadiers.

Bagsak ang Brigadiers sa 2-4 marka.

Ipinasok ni Mangubat ang technical free throw para sa 72-70 bentahe ng Mapua sa huling 33 segundo kasunod ang split ni Aries Borja sa posesyon ng Perpetual.

Pinamunuan ni Borja ang Junior Altas sa kanyang 18 points, 8 rebounds at 2 steals at nag-ambag si Lebron Jhames Daep ng 15 markers.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with