^

PSN Palaro

Lady Falcons kinaldag ang Lady Maroons

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — University ang unang pa­nalo sa UAAP Season 86 women’s volleyball tournament matapos pagpagin ang University of the Philippine, 25-22, 25-22, 28-26 na nilaro sa Mall of Asia Arena sa Pasay City  kahapon.

Nilista ni Ishie Lalong­isip ang 12 points, 16 digs at pitong receptions upang tulungan ang Lady Falcons na ilipad ang 1-1 karta.

Kahit winalis ng Lady Falcons ang Lady Maroons sa tatlong sets ay napahirapan pa rin ang Adamson na tukain ang panalo.

Nakitaan ng angas ang Lady Maroons matapos humabol mula sa 14-21 pagkalubog sa second frame, nagsanib puwersa sina Irah Jaboneta at Niña Ytang para ibaba sa da­lawa, 22-24 ang kanilang hinahabol.

Pero naging matatag si Lalongisip, hindi ito puma­yag at pinangunahan ang Lady Falcons upang makuha ang panalo at mamuro papasok ng third frame.

“Pinagplanuhan po namin itong game namin para dito kami kukuha ng kumpiyansa para sa mga next games namin. Alam po namin na marami pa ka­ming maipapakita sa next games,” pahayag ni La­longisip.

Nalasap ng Lady Maroons ang pangalawang sunod na talo, nasa ilalim sila ng team standings tangan ang 0-2 karta.

Tumikada rin si May Ann Nuique ng 12 markers para sa Adamson.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with