^

PSN Palaro

WBA crown ni Inoue kukunin ni Ancajas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
WBA crown ni Inoue kukunin ni Ancajas
Takuma Inoue.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isa lang ang layunin ni Jerwin Ancajas.

Ito ay ang muling maging isang world boxing champion sa mas mabigat na weight division.

“I want to bring home the crown. I want to be world champion again,” sabi ni Ancajas sa kanyang paghaha­mon kay Japanese World Boxing Association (WBA) bantamweight titlist Takuma Inoue ngayong gabi sa Ko­kugigan Arena sa Tokyo, Japan.

Siyam na beses naidepensa ni Ancajas (34-3-2, 23 knockouts) ang dating bitbit na suot na International Boxing Federation (IBF) super flyweight crown bago umakyat sa bantamweight class.

Ito naman ang unang pagdedepensa ni Inoue (18-1-0, 4 KOs) sa kanyang hawak na WBA belt.

Sa kanilang muling pagkikita sa official weigh-in ka­hapon ay nagtala ang 32-anyos na si Ancajas at ang 28-anyos na si Inoue na magkatulad na 117 3/4 pounds.

Swak ito sa weight limit na 118 pounds.

Bukod kay Ancajas, lalaban din si Pinoy fighter Jonas Sultan (19-6-0, 11 KOs) katapat si Japanese prospect Riku Masuda (3-1-0, 3 KOs) sa undercard.

May magkapareho ring sukat na 117 3/4 pounds sina Sultan at Masuda para sa kanilang eight-round, non-title bantamewight bout.

vuukle comment

JERWIN ANCAJAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with