^

PSN Palaro

Lady Spikers pinana ang Lady Tams

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Lady Spikers pinana ang Lady Tams
Inilihis ni Thea Gagate ng Lady Spikers ang kanyang hataw kontra kay Christine Ubaldo ng Lady Tamaraws.
UAAP photo

MANILA, Philippines — Mabilis na ginilitan ng defending champions De La Salle University Lady Spikers ang Far Eastern University Lady Tamaraws matapos panain ang 25-20, 25-17, 25-22 panalo sa UAAP Season 86 wo­men’s volleyball tournement kaha­pon sa Smart Araneta Coliseum.

Nahirang na Best Pla­yer of the Game si Lyka De Leon matapos magrehistro ng 16 excellent digs at 12 excellent receptions upang akbayan ang Taft-based squad sa kanilang panga­lawang sunod na panalo.

Nanatili sa tuktok ng li­derato ang Lady Spikers na may 2-0 karta at sunod nilang makakalaban ang University of Santo Tomas Golden Tigresses sa Linggo sa alas-4 ng ha­pon sa MOA Arena.

Nasilayan agad ng mga volleyball fans ang tikas ng Lady Spikers sa unang da­­lawang sets at nagpatuloy ang dominasyon sa third frame upang tapusin ang laban.

Pinamunuan ni reigning rookie-MVP Angel Canino ang La Salle matapos magtala ng game-high 13 markers.

Sa dalawang panalo ng Lady Spikers ay pareho nilang winalis sa tatlong sets ang kanilang nakatunggali kaya naman ramdam ng ibang teams ang lakas ng nagtatanggol na kampoen.

Pinagpag ng La Salle ang Adamson University, 25-16, 25-16, 25-18, sa ope­ning day ng liga.

Para kay La Salle assis­tant coach Noel Orcullo ka­hit naka-dalawa na silang panalo ay marami pa silang dapat ayusin sa kanilang laro.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with