Brownlee bilib sa mga Gilas youngsters

Justin Brownlee
STAR/File

MANILA, Philippines — Maganda ang future ng Gilas Pilipinas na binu­buo ng mahuhusay na bagitong players na isasabak sa mga susunod na in­ternational tournaments.

Ito ang pananaw ni na­­turalized player Justin Brownlee na na­kikita ang improvement ng bawat miyembro ng Gilas Pilipinas.

Kabisado na ni Brownlee ang galaw ng bawat isa dahil matagal na rin itong naglalaro sa Pilipinas.

Nagsimula ito noong 2016 PBA Governors’ Cup kung saan nakita agad nito ang sistema ng paglalaro sa bansa.

Kasama ni Brownlee ang mga bagitong players sa Gilas Pilipinas.

Sumalang ang grupo sa ensayo sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna kasama si Gilas Pilipinas coach Tim Cone.

“You see the energy, the skill sets that each of the guys have. I think Philippine basketball is heading in the right direction now and is in great hands with those guys,” ani Brownlee.

Show comments