^

PSN Palaro

Gilas sasabak na sa matinding pagsasanay

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magsisimula na ang pukpukang ensayo ng Gilas Pilipinas para paghandaan ang FIBA World Cup na idaraos sa Agosto 25 hangang Setyembre 10.

Nauna nang inihayag ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes na ngayong araw sisimulan ang training camp ng national team.

Sasailalim sa matinding ensayo ang Pinoy cagers sa Maynila bago tumulak sa mas matinding preparas­yon sa Europa kung saan sasalang ito sa ilang tuneup games  laban sa matitikas na European teams.

Kaya naman pinaghahandaan na ng ilang Gilas Pilipinas players ang matinding hamon na haharapin nito.

Isa na si CJ Perez ng San Miguel na ginagamit ang PBA on Tour para mapanatiling nasa kundis­yon ang katawan nito.

“Matagal din akong napahinga kaya inu-unti unti ko muna. Kailangang makuha muna yung rhythm para hindi mabigla at ma-injure,” ani Perez.

Bahagi si Perez ng Gilas na matagumpay na naibalik sa Pilipinas ang kampeonato sa 32nd SEA Games na ginanap sa Phnom Penh, Cambodia.

Nais ni Reyes na makabuo ng chemistry ang Gilas Pilipinas upang maging solido ang galaw nito sa FIBA World Cup.

At isa ang training camp sa magiging sagot dito.

Kaya naman ayaw pang pangalanan ni Reyes kung sinu-sino ang bubuo sa Final 12.

Maging sina naturalized player Justin Brownlee at NBA star Jordan Clarkson ay hindi pa nakatitiyak ng puwesto sa lineup.

Nakasalalay ang lahat sa magiging resulta ng training camp.

vuukle comment

FIBA

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with