Kouame handa sakaling ipatawag sa Gilas
MANILA, Philippines — Handa si naturalized player Angelo Kouame na agad na tumugon sakaling kailanganin ito ng Gilas Pilipinas sa anumang international tournaments.
Ito ang tiniyak ng dating Ateneo standout nang tanungin ito kung nais nitong maglaro suot ang Gilas Pilipinas jersey.
Isa sa malaking torneong lalahukan ng Gilas Pilipinas ay ang FIBA World Cup na idaraos sa Maynila sa Agosto 25 hanggang Setyembre 10.
“Yeah for sure (I’ll answer yes if Gilas calls), a hundred percent, because at the end of the day, I’m still Filipino. If the call is there, I’ll take it,” ani Kouame.
Naglaro na ang 6-foot-10 na si Kouame sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers, sa FIBA Olympic Qualifying Tournament at sa 2023 FIBA World Cup Qualifiers.
Ngunit naisantabi muna ang pangalan ng dating UAAP MVP sa FIBA World Cup dahil nariyan na si naturalized player Justin Brownlee.
Kasama pa si NBA star Jordan Clarkson ng Utah Jazz na naturalized player din ang estado base sa patakaran ng FIBA.
Gayunpaman, naiintindihan ni Kouame ang sitwasyon at handa itong magbigay-daan kina Brownlee at Clarkson.
“I understand that things change and situations happen but I have to stick to the job because this is what I stand for and play for. It is what it is. I’m just gonna go with the flow. I’m just gonna keep working everyday,” ani Kouame.
Malalim ang karanasan nina Brownlee at Clarkson na tunay na kailangan ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup?
Kaya naman hindi ito makapili kung sino sa dalawa ang karapat-dapat dahil pareho itong mahusay.
- Latest