Jerusalem idedepensa ang WBO crown sa May 27

Sasagupain ng 29-anyos na si Jerusalem ang 26-anyos na si Puerto Rican challenger Oscar Collazo sa kanyang U.S. debut bilang bahagi ng Golden Boy DAZN Card sa Mayo 27 sa Fantasy Springs Casino sa Indio, California.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Idedepensa ni Melvin Jerusalem ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) mini flyweight crown sa unang pagkakataon.

Sasagupain ng 29-anyos na si Jerusalem ang 26-anyos na si Puerto Rican challenger Oscar Collazo sa kanyang U.S. debut bilang bahagi ng Golden Boy DAZN Card sa Mayo 27 sa Fantasy Springs Casino sa Indio, California.

Pinabagsak ni Jerusalem si Japanese fighter Masataka Taniguchi sa second round para angkinin ang WBO belt noong Enero 7 sa Osaka, Japan.

Bitbit ngayon ng tubong Manolo Fortich, Bukidnon Province ang kanyang 20-2-0 win-loss-draw ring record tampok ang 20 knockouts.

May 6-0-0 (4 KOs) card naman si Collazo.

Ang Puerto Rican ay isang Pan American Games gold medalist noong 2019 at tinalo si dating Pinoy world champion Vic Saludar sa California noong nakaraang taon.

Puspusan na ang preparasyon ni Jerusalem sa Wild Card Gym sa ilalim ni dating Pinoy world champion Michael Domingo para paghandaan ang kanyang title defense laban kay Collazo.

Show comments