^

PSN Palaro

Petro Gazz puro na!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Petro Gazz puro na!
Lusot sa depensa ni Mika Reyes ng PLDT ang kill ni Aby Maraño ng F2.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Mainit ang Petro Gazz nang pataubin nito ang defending champion Creamline sa bisa ng 25-22, 24-26, 25-23, 26-24 desisyon upang makalapit sa kampeonato ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Matinding depensa kasabay ng matatalim na opensa ang inilabas ng Gazz Angels upang pigilan ang Cool Smashers at makuha ang Game 1 ng best-of-three championship series.

Humataw ng husto si outside hitter Jonah Sabete na kumana ng 19 puntos habang nakatuwang nito si opposite spiker Aiza Maizo-Pontillas na nagdagdag ng 15 puntos para sa Gazz Angels.

Pakay ng Gazz Angels na makumpleto ang matamis na sweep kontra sa Cool Smashers sa Game 2 ng serye na papalo bukas sa parehong venue.

Sa unang laro, naitarak ng F2 Logistics ang 20-25, 25-22, 25-18, 25-17 panalo laban sa PLDT Home Fibr upang makalapit sa inaasam na podium finish.

Halimaw sina opposite hitter Kim Kianna Dy at middle blocker Aby Maraño para tulungan ang Cargo Movers na makuha ang 1-0 bentahe laban sa High Speed Hitters sa best-of-three, bronze medal series.

Kumana si Dy ng 20 puntos mula sa 15 attacks, tatlong blocks at dalawang aces habang nagdagdag naman si Maraño ng 19 puntos kabilang ang limang blocks.

“Ang mindset ko wala akong doubt. Everytime na ibibigay sa akin ang bola alam ko na mapapatay ko kasi madaming naniniwala sa loob,” ani Maraño.

Dikdikan ang laban sa attacks kung saan may 48 hits ang Cargo Movers laban sa 47 ng High Speed Hitters.

Subalit pinatunayan ng F2 Logistics na sila ang best blocking team matapos maglatag ng 18 blocks tampok ang anim mula kay outside hittter Ara Galang.

Maliban sa net defense, solido rin ang floor defense ni Galang na may 18 digs at 18 receptions kasama ang kanyang kabuuang 13 puntos na naitala.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with