^

PSN Palaro

Reyes bumubuo na ng game plan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Reyes bumubuo na ng game plan
Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes
FIBA

MANILA, Philippines — May binubuong game plan si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes para sa sixth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na lalarga sa susunod na buwan sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Masisilayan sa unang pagkakataon si Justin Brownlee suot ang Gilas jersey bilang naturalized player ng Pilipinas sa natu­rang FIBA tournament.

Ngunit may ibang plano si Reyes sa magiging role ni Brownlee sa Gilas kumpara sa mga ginagawa nito sa Barangay Ginebra sa PBA.

“There will certainly be some differences but not much,” ani Reyes.

Hindi na nilinaw pa ni Reyes kung ano ang plano nito upang maiwasang ma-scout ng mga makakalaban ng Gilas  sa sixth window.

Unang haharapin ng Pinoy squad ang Lebanon sa Pebrero 24 kasunod ang Jordan sa Pebrero 27.

Sariwa pa si Brownlee sa matagumpay na kampanya kasama ang Gin Kings kung saan pinagha­rian ng kanilang tropa ang PBA Commissioner’s Cup.

Walang pahinga si Brownlee. Present parati ito sa ensayo ng Gilas Pilipinas sa Meralco gym.

Kasama nito sa ensayo ang katropa sa Barangay Ginebra na sina Scottie Thompson, Japeth Aguilar at Jamie Malonzo.

Dumalo rin sa ensayo sina Raymond Almazan at Chris Newsome ng Meralco, June Mar Fajardo at CJ Perez ng San Miguel Beer, Arvin Tolentino ng NorthPort at Roger Pogoy ng Talk ’N Text gayundin sina collegiate standouts Schonny Winston, Carl Tamayo, at Mason Amos.

Tuwing Lunes ang ensayo ng Gilas Pilipinas.

Ngunit inaasahang madadagdagan ito ng araw sa oras na papalapit na ang petsa ng bakbakan.

Nagsama ang Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ng mga bagitong players dahil bahagi ito ng programa ng asosasyon.

Hinihintay pa ang pagbabalik nina Adamson guard Jerom Lastimosa, incoming UP payer Francis Lopez at La Salle big man Kevin Quiambao na kasalukuyang nasa Dubai para sa kampanya ng Strong Group sa 32nd Dubai Basketball International Championship.

vuukle comment

CHOT REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with