^

PSN Palaro

Road Warriors, Tropang Giga magbabasagan

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
Road Warriors, Tropang Giga magbabasagan
Mikey Williams
PBA media bureau

MANILA, Philippines — Isang koponan ang magagalusan ngayon sa sagupaan ng magkapatid at parehong unbeaten teams na Talk ‘N Text at NLEX sa pagpapatuloy  ng 2023 PBA Governors’ Cup sa Philsports Arena sa Pasig City.

Kapwa may 2-0 kartada at magka-akbay sa segunda puwesto, isa na lang ang matitirang walang galos sa Tropang Giga at Road Warriors pagkatapos ng kanilang duwelo sa main game sa alas-5:45 ng hapon.

Sa unang laro, magtatagisan ang San Miguel Beer (1-0) at Blackwater (1-1) sa alas-3 ng hapon.

Bagama’t magkapatid, bigatin ang inaasahang tapatan ng TNT at NLEX lalo’t ang mananalo ay makikisalo sa No. 1 katabla ang Converge na may 3-0 kartada.

Nakaungos ang TNT at NLEX sa two-way tie sa No. 2 matapos ang panalo kontra sa Rain or Shine at Northport, ayon sa pagkakasunod, nitong weekend.

Babandera sa laban ang duwelo ng bigating imports sa pangunguna ni dating NBA player Jonathan Simmons ng NLEX na nagpakawala ng 33 puntos, 8 rebounds at 5 assists kontra sa Batang Pier, 121-112, matapos ang muntikang 32-9-7 triple-double sa 124-102 debut win kontra sa Blackwater.

Haharang sa kanyang daan ang palabang si Jalen Hudson ng TNT, na nagre-rehistro ng 29 puntos, 12 rebounds at  4.5 assists sa kanyang unang dalawang laro.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with