^

PSN Palaro

Pacers ligwak sa triple-double ni Morant

Pilipino Star Ngayon
Pacers ligwak sa triple-double ni Morant
Umasinta ng tira si Ja Morant ng Grizzlies laban kay Oshea Brisset ng Pacers.

MEMPHIS, Tenn. — Nag­rehistro ng triple-double si Ja Morant upang ilista ang 112-100 come-from-behind  win laban sa India­na Pa­cers sa 2022-23 NBA regular season.

Sinandalan ng Grizzlies ang 27 points, 15 assists at 10 rebounds ni Morant upang kalsuhan ang five-game losing streak at ilista ang 32-18 record.

Ito ang ikalawang sunod na triple-double ni Morant sa season.

Umakyat na sa ikalawang puwesto ang Memphis sa team standings sa Western Division.

Naghabol ang Grizzlies ng 19 puntos bago na­ibaba sa 12, 62-50 ang abante ng Pacers sa halftime.

Papasok ng third quarter, nag-init ang opensa ng Grizzlies at nagawang mabusalan ang Indiana, 30-17 para agawin ang trangko.

At sa pagbubukas ng final canto, tumikada ang Grizzlies ng 13-2 bomba para tuluyang agawin ang panalo sa Pacers.  

Nagdagdag si Jaren Jackson Jr. ng 28 mar­kers para sa Grizzlies na dalawang laro na lang ang hinahabol sa nangunguna sa Western Division na Denver Nuggets.

Bumida si Bennedict Mathurin, ang No. 6 pick noong 2022 draft sa Pacers sa kinanang 27 puntos at walong rebounds.

Sa Milwaukee, umiskor si Giannis Antetokounmpo ng 50 points para buhatin ang Milwaukee Bucks sa 135-110 panalo kontra sa  New Orleans Pelicans.

Sa iba pang laro, pinataob ng Cleveland Ca­valiers ang Los Angeles Clippers, 122-99 habang pinalamig ng Charlotte Hornets ang Miami Heat sa 122-117 tagumpay na tumapos sa tatlong sunod na panalo ng tropa ni Jimmy Butler.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with