^

PSN Palaro

Alinsunurin masusubukan sa Flying Titans

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malaking pagsubok para kay head coach Dante Alinsunurin ang paghawak sa Choco Mucho sa pagbubukas ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa Pebrero 4.

Alam ni Alinsunurin na malaki ang expectations sa kanya lalo pa’t isa ang F­lying Titans sa may pinakamalaking fan base sa liga.

Sapul nang sumabak sa liga noong 2019, hindi pa nakakapasok sa Top 3 ang Choco Mucho.

Kaya naman nais nitong tulungan ang Flying Titans na makalipad ng matayog sa taong ito.

“Before I applied for the job, I knew that there would be a tremendous amount of pressure because they are a crowd favorite. They’re very popular,” ani Alinsunurin.

Malalim ang karanasan ni Alinsunurin na inaasahang madadala nito sa Choco Mucho.

Hawak nito ang men’s national team at ang UAAP champion National University men’s team sa UAAP.

Maganda ang resulta ng training sessions ni Alinsunurin kasama ang Flying Titans.

At base sa iginagalaw ng kanyang bataan, posibleng mas maging maganda ang resulta ng kanilang laban sa kumperensiyang ito.

Masusubukan agad ang tikas ni Alinsunurin at Choco Mucho sa opening day dahil makakaharap nito ang Akari sa Smart Araneta Coliseum.

vuukle comment

CHOCO MUCHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with