^

PSN Palaro

Ateneo, Adamson may misyon

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang No. 1 seeding ang puntirya ng Ateneo De Manila University habang hangad ng Adamson University na maibulsa ang No. 4 ticket sa Final Four ng UAAP Season 85 men’s basketball tournament.

Magtutuos ang Blue Eagles at Soaring Falcons ngayong alas-4 ng hapon matapos ang banggaan ng La Salle Green Archers at talsik nang University of Santo Tomas Growling Tigers sa alas-2 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nakaupo ang nagdedepensang UP sa No. 1 seat bitbit ang 11-3 record kasunod ang Ateneo (10-3), NU (9-5), Adamson (7-6), La Salle (6-7) at mga sibak nang UE (5-9), FEU (5-9) at UST (1-12).

Parehong napasakamay ng Fighting Maroons at Blue Eagles ang ‘twice-to-beat’ advantage sa pagharap sa No. 3 at No. 4 teams sa Final Four.

Ang panalo ng Ateneo sa Adamson ang magtataas sa kanila sa No. 1 kalaban ang No. 4 team at magtatakda sa bakbakan ng No. 2 UP at No. 3 NU.

Kahit magtapos sa magkatulad na 11-3 baraha ay maaagaw ng Katipunan-based team ang top see­ding sa semifinals dahil sa kanilang 75-67 panalo sa Diliman-based team noong nakaraang Sabado.

Sakali namang tapusin ng Soaring Falcons ang five-game winning streak ng Blue Eagles ay sila ang kukuha sa No. 4 spot at awtomatikong sisibak sa Green Archers kahit talunin nito ang Growling Tigers.

Kung matatalo ang Adamson sa Ateneo at mananaig ang La Salle sa UST para sa magkapareho nilang 7-7 marka ay mapaplantsa ang playoff ng Soaring Falcons at Green Archers para sa huling semis berth.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with