^

PSN Palaro

Ginebra may dapat gawin at ipagdasal para sa No. 2 berth

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Ginebra may dapat gawin at ipagdasal para sa No. 2 berth
Gigil na isinalpak ni Jamie Malonzo ng Ginebra ang bola kontra kay Arvin Tolentino ng NorthPort.

MANILA, Philippines — Bukod sa kanilang pa­nalo sa Converge bukas ay kailangan ding ipagdasal ng Barangay Ginebra na matalo ang Magnolia sa Rain or Shine sa Biyernes.

Ito ay para maagaw ng Gin Kings ang No. 2 spot sa eight-team quarterfinal round ng 2022 PBA Commissioner’s Cup.

“Right now, we don’t control our destiny,” ani Gin Kings’ coach Tim Cone matapos talunin ang NorthPort Batang Pier, 122-105, noong Linggo. “We have to have Magnolia lose against Rain or Shine, we have to win for us to get into the top two.”

Nauna nang inangkin ng guest team na Bay Area ang No. 1 berth mula sa bitbit na 10-2 record kasunod ang Magnolia (9-2), Ginebra (8-3), Converge (8-3), San Miguel (6-5), NorthPort (6-6), Phoenix (6-6), Rain or Shine (5-6), Meralco (4-6), NLEX (4-7), TNT Tropang Giga (4-8), Blackwater (3-9) at Terrafirma (1-11).

Wala na sa kontensyon ang Tropang Giga, Bossing at Dyip.

Ang No.1 at No. 2 teams ang magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals kontra sa No. 8 at No. 7 squads, ayon sa pagkakasunod.

Maglalaban naman sa parehong best-of-three series ang No. 3 at No. 6 at ang No. 4 at No. 5 teams.

Kung mananalo ang Gin Kings sa FiberXers kasunod ang kabiguan ng Hotshots sa Elasto Pain­ters ay magtatabla sila sa 9-3 karta.

Maaagaw ng Ginebra ang No. 2 ticket dahil sa winner-over-the-other rule mula sa kanilang 103-97 pananaig sa Magnolia sa ‘Manila Clasico’ noong Oktubre 23.

Kaya gagawin ng Hotshots ang lahat para manalo sa Biyernes para opisyal nang angkinin ang second spot.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with