^

PSN Palaro

Blazers, Knights iseselyo ang Finals showdown

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hangad ng Colegio de San Juan de Letran at College of Saint Benilde na makuha ang tiket sa finals sa pag-arangkada ng NCAA Season 98 men’s basketball tournament Final Four ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.

Magtutuos ang Knights at Lyceum of the Philippines University sa alas-3 ng hapon habang lalarga naman ang Blazers kontra sa San Beda University sa alas-12 ng tanghali.

Armado ang Benilde at Letran ng twice-to-beat card matapos mangibabaw sa pagtatapos ng eliminasyon.

Nasa No. 3 spot ang Lyceum at No. 4 naman ang San Beda.

Ito ang ikatlong pagkakataon na maghaharap ang Knights at Pirates sa season na ito.

Nagwagi ang Pirates sa first round ngunit wala sa lineup ng Knights sina key players Brent Paraiso at Louie Sangalang dahil pinatawan ang mga ito ng suspensiyon.

Nakabawi ang Letran sa second round nang pataubin nito ang Lyceum para maitabla ang kanilang head-to-head.

Sa kabilang banda, hawak ng Blazers ang 2-0 edge sa Red Lions sa eliminasyon.

Subalit ibang usapan na ang Final Four.

Kaya naman pukpukan ang paghahanda ng Benilde kontra sa San Beda lalo pa’t malalim ang karanasan ng Red Lions sa semis.

“It doesn’t matter if we’ve beaten these teams sa semis, zero-zero all yan sa semis. Iba yung pressure nun. I don’t know how the guys will respond. We worked hard to be in this position so it’s a good feeling kahit papano,” ani Blazers head coach Charles Tiu.

Ito ang unang Final Four appearance ng Bla­zers sapul noong 2002.

 Ito ang ikalawang sunod na season na walang twice-to-beat card sa Final Four ang Red Lions.

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with