^

PSN Palaro

Blazers tiwalang makakalaro si Corteza sa pagsagupa sa Red Lions sa Final Four

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ilang araw bago ang Fi­nal Four ng NCAA Season 98 men’s basketball tournament ay tinamaan pa ng kamalasan ang College of Saint Benilde matapos magtamo ng injury ang isang key player nito.

Inihayag ni Blazers head coach Charles Tiu na nagkaroon ng sprained ankle si Miggy Corteza sa laban ng Benilde kontra sa San Beda University sa eli­minasyon noong Martes.

Masuwerte na lamang dahil may ilang araw pa pa­ra makapagpahinga si Cor­teza bago sumabak sa importanteng laban ng koponan sa semis.

“Rest muna siya. He’s still recovering,” ani Tiu.

Nakuha ni Corteza ang nsabing injury sa first half ng Benilde bakakan ng San Beda.

Ngunit hindi agad ito su­muko at nagpahinga.

Naglaro pa rin si Corte­za para tulungan ang Bla­zers na makuha ang 82-73 pa­­nalo na nagbigay sa ka­­nilang tropa ng twice-to-beat advantage.

Salamat sa pain killer para makapaglaro pa rin ito sa kabila ng iniindang sakit.

Malaking tulong si Corteza sa rotation ng Blazers dahil mayroon siyang mga ave­rages na 13.4 points at 4.7 boards.

Kaya naman umaasa si Tiu na magiging maayos ang lagay ni Corteza bago magsimula ang Final Four.

Lalabanan ng Benilde ang San Beda sa semis na magsisimula sa Martes.

Tangan ng Blazers ng twice-to-beat advantage matapos makuha ang top spot sa elimination round.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with