Katibays, SMB pasok sa quarterfinals finals ng PBA 3x3
MANILA, Philippines — Umabante ang Pioneer Elastoseal Katibays sa knockout quarterfinals matapos magposte ng 2-0 record sa Pool A sa Leg 3 ng PBA 3x3 First Conference Season 2 kahapon sa Robinson’s Las Piñas.
Tinakasan ng Katibays ang Leg 2 champions na Cavitex Braves, 16-15, bago lusutan ang Terrafirma Dyip, 19-17, papasok sa knockout stage.
Sa kabila ng kabiguan ay pumasok din sa quarterfinals ang Braves matapos talunin ang Dyip, 21-20, para sa kanilang 1-1 baraha.
Umusad din sa quarterfinals ang San Miguel na tumagay ng 2-0 marka sa Pool B mula sa 21-14 panalo sa Barangay Ginebra at 21-12 paggupo sa Blackwater.
Tinalo naman ng Gin Kings ang Red President, 18-17, para kumpletuhin ang playoffs cast sa ka-nilang grupo.
Naglista ang Leg 1 titlist na TNT Tropang Giga ng 1-1 kartada sa Pool C matapos matalo sa Platinum Karaoke, 17- 22, at manaig sa NorthPort, 19-18.
- Latest