^

PSN Palaro

Enter the dragons!

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Akala ko aabot ng 50 points ang lamang.

Masakit man sabihin, parang hindi PBA game ang napanood ko noong durugin ng Bay Area Dragons ang Blackwater sa opening ng Commissioner’s Cup last Wednesday.

Tinambakan ng guest team from Hong Kong ang Blackwater na nag-mukhang high school team sa court.

Isipin mo, 97 points na ang Dragons sa patapos ng third quarter at natapos ang game sa final score na 133-87.

Eh sa score pa lang ng Dragons sa third quarter, talo na ang Bossing.

Mahina ako sa math pero 46 points natapos ang lamang. Ang sakit sa mata dahil never pa natalo ang Blackwater ng ganoon kalaki in its PBA history.

First time nagkaroon ng foreign guest team sa PBA in almost 20 years kaya exciting para sa fans.

NorthPort ang kalaban ng Bay Area kahapon. Kasunod ang games kontra Phoenix at Converge.

Tingnan natin kung hanggang saan ang Dragons lalu na kung makalaban na nila ang mga bigatin like Ginebra, Meralco, Magnolia, San Miguel at TNT.

Maraming na-impress sa first game ng Dragons na may 7-5 na center na si Liu Chuanxing at isang matinik na 6-2 import na si Myles Powell na gumawa ng 41 points.

Sabi ng iba, easily aabot sa playoffs ang team.

Ewan natin. Baka nga mamaya, umabot pa sa semis or even sa finals.

Hindi tsamba ang manalo ka ng 46 points sa PBA.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with