^

PSN Palaro

ESWF nakabase sa Pilipinas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
ESWF nakabase sa Pilipinas
Si ESWF president Arniel Gutierrez.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tunay na world class ang mga Pinoy athletes kaya’t maituturing na sentro ng Electronic and Digital Sports (ESports) ang Pilipinas sa buong mundo.

Ito ang ipinagmalaki ni Arniel Gutierrez kung saan pormal nang itinatag ang pagkakatatag ng ESports World Federation (ESWF) na magiging world gover­ning body sa ESports.

Nakabase ang natu­rang organisasyon sa Pilipinas na isa sa pinagmumulan ng mahuhusay na atleta sa mundo ng Esports.

“The Philippines is now the Mecca of ESports. Officially, tayo na ang Esports capital in the world,” ani Gutierrez sa pagbisita nito sa lingguhang Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS ) ‘Usapang Sports’ sa Behrouz Restaurant sa Timog, Quezon City.

Ang ESWF ang katum­bas ng International Olympic Committee na siyang humahawak sa Olympic Games.

Apat ang Continental Federation ng ESWF – ang Amateur Europe Esports Federation na pinamumunuan ni Valery Kolganov ng Israel;  Organization of African Electronic Sports na pinamumunuan ni Igor Boumekpo ng Ghana; Pan-American Esports na pinamumunuan ni Christopher Byrne ng Canada; at Asia-Pacific Electronic Sports Confederation na pinamumunuan ni Santanu Basu.

Pormal na ilulunsad ang ESWF sa gaganaping Tourism Sports ESports Business sa November 25-28 sa SMX Clark sa Pampanga.

Nakatakdang ilunsad ang ESWF sa Oktubre 16.

Bukod sa ESWF, itina­tag ni Gutierrez ang ESports Academy of Asia Pacific na nakabase sa Dasmariñas, Cavite.

ESPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with