^

PSN Palaro

SMB, TNT ikakasa ang PBA finale

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
SMB, TNT ikakasa ang PBA finale
Sinubukang pigilan ni SMB forward Vic Manuel ang tira ni Meralco guard Aaron Black sa Game 5.
PBA Image

MANILA, Philippines — Ang pagtatakda sa ka­­nilang championship showdown ang hangad ng San Miguel at nagdedepensang TNT Tropang Giga na determinado namang pigilan ng Meralco at Magnolia.

Sasagupain ng Beermen ang Bolts ngayong alas-4:30 ng hapon, habang lalabanan ng Tropang Giga ang Hotshots sa alas-6:30 ng gabi sa Game Six ng 2022 PBA Philippine Cup semifinals series sa Smart Araneta Coliseum.

Hangad ng San Miguel na maduplika ang kanilang 89-78 paggupo sa Meralco sa Game Five para muling makapasok sa All-Filipino Cup Finals matapos noong 2019.

Nagpasabog si CJ Perez ng 24 points para banderahan ang panalo ng Beermen sa Bolts at nagdagdag sina Jericho Cruz at six-time PBA MVP June Mar Fajardo ng 17 at 12 markers, ayon sa pagkakasunod.

“Hopefully we finish it in six because the o­ther series is also 3-2 and might finish on Sunday and we don’t want to be left behind,” ani San Miguel coach Leo Austria.

Kailangan ng Meralco na tapatan ang intensidad ng koponan ni Austria para makatabla sa serye at makapuwersa ng Game Seven sa Miyerkules.

“I didn’t think we matched their energy as far as the intensity was concerned. So that’s something we have to change going into Game 6,” ani Bolts’ mentor Norman Black.

Samantala, bagama’t nadiskaril sa Game Five mula sa 97-105 kabiguan ay hawak pa rin ng TNT ang 3-2 abante sa kanilang serye ng Magnolia.

“We’re still down in the series. We just want to live another day and prepare for Sunday’s game,” sabi ni Hotshots’ coach Chito Victolero sa asam nilang makatabla sa Tropang Giga para makahirit ng Game Seven sa Miyerkules.

Sa nasabing panalo ng Magnolia ay kumamada si Mark Barroca ng 25 points habang may tig-16 mar­kers sina Paul Lee, Calvin Abueva at Ian Sangalang.

Nalimitahan naman si TNT star guard Mikey Williams sa 13 points dahil sa depensa nina Rome dela Rosa at Adrian Wong.

MERALCO

PBA

TNT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with