^

PSN Palaro

Green may payo kay Sotto

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Green may payo kay Sotto
Jalen Green.
adidas

MANILA, Philippines — Pinayuhan ni Filipino-American Jalen Green si Kai Sotto na huwag tumigil upang maabot ang mini­mithi nitong pangarap na makapaglaro sa NBA.

Magkakilala na sina Green at Sotto dahil ma­kailang ulit nang nagkrus ang kanilang landas.

Magiging magkatropa sana sina Green at Sotto sa Ignite sa NBA G League.

Subalit hindi natuloy ang paglalaro ng 7-foot-3 Pinoy cager sa G League dahil sa ilang hindi inaasahang pangyayari na may kinalaman sa pandemya.

Alam ni Green ang ka­kayahan at abilidad ni Sotto.

Kaya’t naniniwala ito na maaabot din nito ang kanyang NBA dream sa mga susunod na taon.

“I love Kai. That’s my dawn. Kai is super talented, he has game but everyone has a different story. He just needs to keep his head down, trust the work and make sure to stay in the gym,” ani Green sa pana­yam ng Sportsdesk.

Bigo si Sotto na makapasok sa NBA.

Hindi ito nakuha sa 2022 NBA Annual Rookie Draft.

Dahil dito, nagpasya si Sotto na bumalik sa A­de­laide 36ers upang ipagpatuloy ang kanyang basketball career sa Australia National Basketball League (NBL).

Kasalukuyang nasa Adelaide si Sotto para makasama ang kanyang mga katropa sa pre-season preparations nito.

Ngunit nakatakdang bumalik sa Pilipinas si Sotto sa Agosto 18 para lumaro sa Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup Asian Qualifiers.

JALEN GREEN

KAI SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with