^

PSN Palaro

Creamline lumapit sa finals slot

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Creamline lumapit sa finals slot
Umatake si Tots Carlos ng Creamline laban kay Jerrili Malabanan ng Cignal.
PVL Image

MANILA, Philippines — Patuloy ang mainit na ratsada ng Open Confe­rence champion Creamline nang pabagsakin nito ang Cignal, 25-17-25-15, 25-22,  upang makalapit sa finals slot ng Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Walang makapigil sa malakas na puwersa ng Cool Smashers para sumulong sa ikatlong sunod na panalo at okupahan ang No. 1 spot sa semifinal round.

“It feels great, we prepared so much for this game. We have to give credits to our coaches and teammates. We tried to limit our errors,” ani playmaker Jia Morado na nagtala ng 26 excellent sets kasama ang tatlong puntos.

Magandang resbak din ito para sa Cool Smashers na lumasap ng kabiguan sa HD Spikers sa kanilang unang pagtatagpo sa eliminasyon.

Nahulog ang HD Spi­kers sa 1-2 baraha.

Sa unang laro, nagparamdam agad ng lakas ang foreign guest team King Whale ng Chinese-Taipei nang palugmukin nito ang Philippine Army, 26-24, 25-18, 26-24.

Bumandera sa atake si Beatriz Flavio De Carvalho na humataw ng 14 puntos mula sa 13 attacks at isang ace para sa King Whale na umangat sa 1-0 rekord sa semis.

Nakakuha ito ng solidong suporta mula kina Wang Yu Wen at Chen Li Jun na parehong nagrehistro ng 10 puntos habang may tig-anim naman sina Tsai Qin-Yao at Chen Chieh.

Nakagawa ang King Whale ng 27 errors subalit natabunan ito ng kanilang performance sa attackline matapos kumana ng 47 hits laban sa 30 ng Lady Troopers.

Lamang din ang King Whale sa digs (78-50), receptions (30-26) at sets (22-12).

Nanatiling mailap ang panalo sa Lady Troopers na nahulog sa 0-4 baraha.

Walang players ang Army na nagsumite ng double digits kung saan nalimitahan sa walong puntos si team captain at top scorer Jovelyn Gonzaga.

Samantala, ang local team na may pinakama­taas na puwesto sa pagtatapos ng Invitational Conference ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa AVC Women’s Cup na idaraos sa bansa.

Ito ang naging desisyon ng PNVF matapos tanggalin sa national pool ang lahat ng 12 miyembro ng National University. 

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with