^

PSN Palaro

Castro ipinakita ang pagiging beterano

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Castro ipinakita ang pagiging beterano
Jayson Castro
PBA media bureau

MANILA, Philippines — Bilang isang veteran point guard ay inasahan na ni Jayson Castro na siya ang sasandalan ng nagdedepensang TNT Tropang Giga sa gitna ng napipintong kabiguan.

Isinalpak ng 36-anyos na playmaker ang isang game-winning three-point shot sa huling 2.4 segundo para tulungan ang Tropang Giga sa 93-92 pagtakas sa Magnolia Hotshots sa Game Three ng 2022 PBA Philippine Cup semifinals series noong Linggo.

“As a veteran iyong sa akin, kumpiyansa pa rin sila na kaya kong manalo ng game,” wika ni Castro. “Pero at the same time, natapat lang din siguro.”

Ang nasabing panalo ang nagbigay sa TNT ng 2-1 bentahe sa Magnolia sa kanilang best-of-seven showdown.

Nabawi ng Hotshots ang 92-90 bentahe matapos ang clutch layup ni ve­teran guard Mark Barroca sa nalalabing 9.8 segundo ng fourth period.

Sa kanilang pinakahu­ling gameplan ay gumamit si Castro, ang No. 3 overall pick ng Tropang Giga noong 2008, ng dalawang screens at pinakawalan ang kanyang game-winning triple.

“Quick inbound to Jayson and then, the bigs gi­ving him a screen, looking for opportunity and shoo­ters filling the corner,” sabi ni TNT coach Chot Reyes. “Again, it turned out to be a good play because Jayson made the shot.”

Naimintis naman ni Paul Lee ang kanyang tangka sa 3-point line sa huling poses­yon ng Magnolia.

Target ng Tropang Giga na maitayo ang 3-1 lead sa pagsagupang muli sa Hotshots sa Game Four bukas.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with