^

PSN Palaro

Kiefer pumirma ng bagong kontrata sa Shiga

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tuluyan nang bumagsak ang negosasyon sa pagitan ni Kiefer Ravena at ng NLEX.

Ito ay matapos puma­yag kahapon ang star guard na pirmahan ang alok na bagong three-year contract ng Shiga Lakestar sa Japan B.League.

“I’m excited to be back and play for you guys once again! This will be a great season for us and I know the boosters will have fun supporting the team this year,” sabi ng dating Ateneo Blue Eagles superstar.

Gusto ng Road Warriors na maglaro si Ravena ng buong PBA season matapos siyang payagan na lumipat sa Lakestar team sa B.League noong nakaraang taon.

Dahil sa muling pagpirma ni Ravena ng kontrata sa Shiga ay haharapin niya ang four-year soft ban na ipinatutupad ng PBA sa kanilang mga players kagaya ng kaso ni dating TNT Tropang Giga guard Ray Ray Parks Jr. na lumagda rin ng bagong deal sa Nagoya Diamond Dolphins sa B.League.

Tinapos ng Lakestar ang 2021-22 B.League season bitbit ang 14-43 win-loss record.

Humataw ang 28-an­yos na si Ravena ng mga averages na 13.2 points, 5.9 assists, 2.5 rebounds at 1.5 steals sa 56 games para sa Shiga team.

Matapos ang B.League season ay nagbalik sa bansa si Ravena at muling naglaro para sa Gilas Pilipinas sa  2022 FIBA Asia Cup kung saan tumapos ang grupo sa ninth place.

vuukle comment

KIEFER RAVENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with