^

PSN Palaro

Hotshots, Bolts bida sa game 2

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Hotshots, Bolts bida sa game 2
Ang pamatay na jumper ni Magnolia big man Ian Sangalang laban kay Troy Rosario ng TNT sa Game 2.
STAR/File

MANILA, Philippines — Itinabla ng Magnolia at Meralco sa 1-1 ang kani-kanilang serye matapos agawin ang Game Two.

Binalikan ng Hotshots ang nagdedepensang TNT Tropang Giga, 92-88, habang niresbakan ng Bolts ang San Miguel Beermen, 99-88, sa 2022 PBA Philippine Cup semifinals series kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nagtala si Mark Barroca ng 22 points at may 20, 18 at 10 markers sina Ian Sangalang, Calvin Abueva at Paul Lee, ayon sa pagkakasunod, para sa pagtabla ng Magnolia sa kanilang best-of-seven semis duel ng TNT.

“We have to be consistent. Mayroong mga span ng game na sobrang dire-diretso ang points niya,” ani Hotshots coach Chito Victolero kay Mikey Williams ng Tropang Giga. “But it’s all about team effort and defense.”

Nagpaputok si Williams ng 25 sa kanyang 28 points sa second half para sa TNT na nakabangon mula sa 19-point deficit para makadikit sa 88-90 sa huling 1.6 segundo ng fourth period.

Ang dalawang free throws nina Barroca at Abueva ang sumelyo sa panalo ng Magnolia.

Sa unang laro, umiskor si Aaron Black ng pito sa kanyang 15 points sa final canto para sa panalo ng Meralco habang nagposte si Cliff Hodge ng 17 mar­kers at 14 rebounds.

“It will be a little bit more difficult for teams to stop us if it’s more manageable, all around, and a lot of guys scoring,” ani coach Norman Black na umuwi sa bansa noong Huwebes ng gabi.

Tumipa si Allein Maliksi ng 15 points at may 14 at 13 markers sina Chris Newsome at Toto Jose, ayon sa pagkakasunod.

Kumolekta si six-time PBA MVP June Mar Fajardo ng 22 points, 17 boards, 3 assists at 2 blocks para sa San Miguel.

Bumida sina Black at Jose sa pagpigil ng Bolts sa resbak ng Beermen sa fourth quarter matapos nilang iposte ang 37-20 abante sa pagsisimula ng second quarter.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with