Skippers, Green Archers kinuha ang unang panalo

MANILA, Philippines — Humakot si Fil-Am forward Michael Phillips ng 23 points, 13 rebounds, 3 blocks at 2 assists sa 112-82 paglampaso ng EcoOil-La Salle sa Builders Warehouse-UST sa 2022 PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Bukod kay Philips ay lima pang Green Archers ang umiskor ng double figures para gibain ang Growling Tigers.

Pinamunuan ni Nic Cabanero ang Builders Warehouse-UST sa kanyang 21 points.

Samantala, nagtuwang sina Jollo Go at Juan Gomez de Liaño para igiya ang Marinerong Pilipino sa 86-74 pagdaig sa Apex Fuel-San Sebastian.

Tumipa si Go ng 23 points tampok ang anim na triples at may 20 markers si Gomez de Liaño para sa unang panalo ng Skippers na ipinoste ang 16-point lead bago nakalapit ang Stags sa 67-71 agwat sa 7:01 ng fourth period.

Muling inilayo nina Go at Gomez de Liaño ang Marinero sa 81-67 sa huling 2:41 minuto para talunin ang Apex Fuel-San Sebastian.

Show comments