^

PSN Palaro

Bowlers, judoka sumikwat ng ginto

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Bowlers, judoka sumikwat ng ginto
Ipinakikita ni judoka Rena Furukawa ang kanyang medalyang ginto sa judo event ng 31st Souteast Asian Games.
STAR/File

Ladon, Marcial susuntok sa finals

MANILA, Philippines — Habang tuluyan nang inangkin ng host Vietnam ang overall champion ay nakikipaglaban naman ang Pilipinas para sa No. 3 seat sa medal standings ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi.

Dalawang gold medals lamang ang nakamit ng mga Pinoy athletes mula sa national men’s bowling team at kay judoka Rena Furukawa kahapon.

Mayroon ngayong 40 golds, 57 silvers at 77 bronzes ang Pinas na nahulog sa No. 4 sa ilalim ng Vietnam (152-90-82), Thailand (62-65-95) at Indonesia (41-61-56).

Nagpagulong sina bowlers Merwin Tan, Christian Dychangco, Ivan Malig at Patrick Nuqui ng 5275 pinfalls para angkinin ang gintong medalya sa team-of-four event.

Tinalo ni Furukawa si Chu Myat Noe Wai ng Myanmar sa finals ng women’s -57 kilogram division para sa unang ginto ng national judo team sa Vietnam SEA Games.

Nag-ambag ng silver sina judokas John Viron Ferrer (men’s -90kg) at Keisei Nakano (men’s -73kg) at may bronze si Megumi Kurayoshi (wo­men’s -63kg).

Posible pang makahugot ng gold ang bansa mula sa boxing at esports.

Swak sa finals sina Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial (men’s -75) at Rogen Ladon (men’s -52kg) para makatiyak ng silver.

Minalas naman sina James Palicte (men’s -63kg), Josie Gabuco (women’s -48kg) at Riza Pasuit (women’s -57kg) para magkasya sa bronze.

Sa esports, umabante ang Team Philippines-Sibol sa finals ng Mobile Le­gends: Bang Bang men’s division matapos ang 2-1 panalo sa Singapore sa semis.

Nauna nang inangkin ng all-female team Sibol-Grindsky Eris ang ginto sa League of Legends: Wild Rift event.

Nagsulong ng silver sina IM Paulo Bersamina at GM Darwin Laylo (men’s team rapid), Christine Hallasgo (women’s marathon), archers Paul Marton Dela Cruz at Jennifer Chan (mixed team compound), wrestlers Alvin Lobreguito (men’s freestyle -57kg) at Jhonny Morte (men’s freestyle -65kg).

Samantala, nabigo ang national women’s volleyball team sa Vietnam, 23-25, 18-25, 16-25, sa pagtatapos ng preliminary at nahulog sa agawan sa bronze medal kontra sa Indonesia bukas.

SEA GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with