^

PSN Palaro

Knights lalapit sa korona Laro Ngayon

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bubuksan ng nagdedepensang Letran Knights at ng Mapua Cardinals ang kanilang best-of-three championship series sa NCAA Season 97 men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Arena sa San Juan City.

Magtutuos ang Knights at Cardinals sa Game One ngayong alas-3 ng hapon.

Kinumpleto ng Letran ang nine-game sweep sa elimination round kasama ang 80-60 paggupo sa Mapua noong Abril 8.

Sinibak ng Knights ang No. 4 Perpetual Atas, 77-75, sa Final Four  habang tinakasan ng Cardinals ang No. 3 San Beda Red Lions, 70-67, sa kanilang ‘do-or-die’ game.

“Talagang hindi biro ang pumasok sa finals kaya siguro mas titriplehin namin iyong trabaho namin,” ani Cardinals’ head coach Randy Alcantara sa kanilang pagsagupa sa Knights ni mentor Bonnie Tan.

Asam ng Letran ang ka­nilang back-to-back crown habang  huling naghari ang  Mapua noong 1991 sa panahon nina Alcantara at Benny Cheng.

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with