^

PSN Palaro

Hagupit ni ‘Agaton’: 22 patay sa landslide!  

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Hagupit ni �Agaton�: 22 patay sa landslide!         
Posibleng madagdagan umano ang bilang ng casualties dahil nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang search and retrieval operations para sa anim na indibiduwal na inulat namang nawawala kasabay ng pananalasa ni Agaton.
Freeman Photo

MANILA, Philippines — Dalawapu’t dalawang katao ang kumpirmadong patay matapos matabunan ang kani-kanilang bahay sa naganap na landslide sa Baybay City, Leyte bunsod ng  malalakas na pag-ulan  dulot ng bagyong Agaton kahapon.

Ayon kay Baybay City Police chief P/Colonel Jomen Collado, ang mga bangkay ay nahukay mula sa apat na barangay.

“Meron po tayong nakuha sa Barangay Mailhi, doon po tayo nakakuha ng 16. Sa Barangay Maypatag, mayroon pong dalawa, sa Barangay Bunga mayroong isa, at Barangay San Agustin mayroon po tayong tatlo,” ani Collado, naipaalam na rin sa mga kaanak ng mga nasawi ang kanilang sinapit.

Posibleng madagdagan umano ang bilang ng casualties dahil nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang search and retrieval operations para sa anim na indibiduwal na inulat namang nawawala kasabay ng pananalasa ni Agaton.

Inaalam din ng mga awtoridad kung may iba pang  residente ang na-trap  sa kasagsagan ng bagyo.

Ayon sa PAGASA, si Agaton ay namataan kahapon ng umaga sa coastal waters ng Tanauan, Leyte taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng ha­ngin na umaabot sa 75 kilometro bawat oras.

Sa kabila nito, nakataas pa rin ang Signal number 1 sa  southern portion ng  Masbate (Dimasalang, Palanas, Cataingan, Pio V. Corpuz, Esperanza, Placer, Cawayan) sa Luzon  gayundin sa  Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte,  northeastern portion ng  Cebu (Daanbantayan, San Remigio, Medellin, City of Bogo, Tabogon, Borbon, Sogod, Catmon, Carmen, Danao City, Compostela, Liloan) kasama na ang  Camotes Island, at  eastern portion ng  Bohol (Getafe, Talibon, Bien Unido, Trinidad, Ubay, San Miguel, Pres. Carlos P. Garcia, Mabini) sa Visayas. 

Nakataas din sa Signal number  1 sa Surigao del Norte at Dinagat Islands sa Mindanao.

Ngayong Martes Santo ng hapon, inaasahang mabagal ang kilos ni Agaton sa may northeastern portion ng Leyte at sa southern portions ng Samar at Eastern Samar bago ito pumunta ng Philippine Sea ngayong gabi na sasama sa pagkilos ng bagyong may  international name na “Malakas ”. - Angie Dela Cruz

vuukle comment

BAGYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with