^

PSN Palaro

Mojdeh at De Kam babandera sa kampanya ng BEST-Philippines a Paris swimfest

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Mojdeh at De Kam babandera sa kampanya ng BEST-Philippines a Paris swimfest

MANILA, Philippines — Ipaparada ng Behrouz Elite Swimming Team (BEST-Philippines) ang walong matitikas na tankers para sa 10th Circle of Swimmers of Melun Val de Seine sa Mayo 13-15 sa Paris, France.

Ito ang inihayag ni BEST-Philippines team manager Joan Mojdeh matapos makatanggap ng imbitasyon mula sa mga organizers ng Paris meet.

“Our mission is to enhance the talents of our swimmers from grassroots to elite. Unti-unti na-achieve namin for years and now isinama na namin sa programa ang in­ternational tournament. Kailangan ng mga bata ang ex­perience and an international competition is the best for them,” wika ni Mojdeh.

Mangunguna sa ratsada ng Pinoy squad sina natio­nal junior record-holder Micaela Jasmine Mojdeh at Mar­cus De Kam na nagpasiklab sa katatapos na FINIS Short Course swimming series-Luzon Leg.

Kasama rin sina Hugh Antonio Parto, Jordan Ken Lo­bos, Yohan Mikhail Cabana, Nicholas Ivan Radovan, Lance Arce Lotino at Julia Ysabelle Basa.

Magsisilbing head coach ng koponan si veteran mentor Virgilio De Luna kasama si strength and conditioning coach Jerricson Llanos.

Ito ang ikalawang international competition na lalahu­kan ng BEST-Philippines para sa taong ito matapos ang Hamlton International meet sa Dubai.

BEST

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with