^

PSN Palaro

Triple-double ni Giannis pumigil sa Warriors

Pilipino Star Ngayon
Triple-double ni Giannis pumigil sa Warriors
Pinanood na lang ni Otto Porter Jr. ng Warriors ang pagdak­dak ni Bucks star Giannis Anteto­kounmpo.

MILWAUKEE— Ipinoste ni Giannis Anteto­kounmpo ang kanyang ikatlong triple-double sa season matapos pangunahan ang nagdedepensang Bucks sa 118-99 panalo sa Golden State Warriors.

Tumapos ang 27-an­yos na si Antetokounmpo na may 30 points, 12 rebounds at 11 assists para sa kanyang ika-28 career triple-double.

Nag-ambag si Khris Middleton ng 23 points at may 20 at 15 markers sina Bobby Portis at Grayson Allen, ayon sa pagkakasunod, para sa Milwaukee (27-17) na iniwanan ang Golden State (30-11) sa halftime, 77-38, patungo sa kanilang tagumpay.

Umiskor si Andrew Wiggins ng 16 points sa panig ng Warriors at may 15, 12 at 11 markers sina Jonathan Kumginga, Stephen Curry at Klay Thompson, ayon sa pagkakasunod.

Sa Memphis, dumiretso ang Grizzlies (30-14) sa kanilang pang-11 sunod na arangkada matapos sagpangin ang 116-108 panalo sa Minnesota Timberwolves (20-22).

Nagtala si Desmond Bane ng 21 points para sa Memphis  habang may 20 markers si Jaren Jackson Jr. at kumonekta si Ja Morant ng 16 points, 9 assists at 8 rebounds.

Sa New York, humakot si Shai Gilgeous-Alexander ng 33 points, 10 rebounds at 9 assists para igiya ang Oklahoma City Thunder (14-27) sa 130-109 pagrapido sa Brooklyn Nets (26-15).

Sa New Orleans, hu­mataw si Brandon Ingram ng 24 points para tulungan ang Pelicans (16-26) sa 113-89 paggupo sa Los Angeles Clippers (21-22).

Sa Denver, nag­lista si Nikola Jokic ng 20 points, 8 boards at 7 assists sa 140-108 pagbugbog ng Nuggets (21-19) sa Portland Trail Blazers (16-25).

NBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user