^

PSN Palaro

‘Di pa tapos ang Northport

Rusell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
âDi pa tapos ang Northport
Sidney Onwubere at Art dela Cruz Jr.
STAR/ File

Onwubere sa Ginebra kapalit ni Dela Cruz

MANILA, Philippines — Muling nasangkot sa trade ang NorthPort matapos dalhin si defensive player Sidney Onwubere sa Barangay Ginebra para makuha si scoring guard Art dela Cruz Jr.

Inaprubahan ng PBA Commissioner’s Office ang nasabing one-on-one trade.

Sa pagdating ng 6-foot-4 na si Onwubere sa Gin Kings ay inaasahang titibay ang depensa ng tropa ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone kasama sina 6’8 Christian Standhardinger at 6’8 Japeth Aguilar.

Kumolekta ang dating Emilio Aguinaldo College standout ng mga averages na 9.6 points at 5.9 rebounds per game para sa Batang Pier sa nakaraang 2021 PBA Philippine Cup sa Bacolor, Pampanga.

Opensa naman ang maibibigay ng 6’3 na si Dela Cruz para sa NorthPort na nakuha si one-time PBA Most Valuable Player Arwind Santos mula sa San Miguel kapalit ni Vic Manuel kamakalawa.

Noong Biyernes ay nasambot ng Batang Pier ang 34-anyos na si Manuel kasama si wingman Michael Calisaan mula sa Phoenix Fuel Masters kapalit nina veteran Sean Anthony, sophomore Sean Manganti at isang 2021 second round draft pick.

Matapos ang tatlong araw ay dinala ng NorthPort si Manuel sa San Miguel kapalit ng 40-an-yos na si Santos, nanalo ng siyam na PBA titles sa kanyang 12-taong pagla-laro para sa SMC franchise.

ART DELA CRUZ JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with