_ngayon
^

PSN Palaro

Iba pang Olympic medalists bibigyan ng house and lot

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi lamang si Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz ang bibigyan ng Century Properties Group ng insentibo kundi maging ang iba pang Pinoy athletes na mananalo ng medalya sa Tokyo Games.

Isang house and lot ang ibibigay ng Century Properties sa mga miyembro ng Team Philippines na makakakolekta ng medalya sa Tokyo Olympics na matatapos sa Agosto 8.

Nauna nang binigyan ng nasabing real estate firm si Diaz ng house and lot na nagkakahalaga ng P4 milyon dahil sa kanyang pagrereyna sa women’s 55-kg class na tumapos sa 97 taon na paghihintay ng bansa sa kauna-unahang Olympic gold.

Lalaban ngayong tanghali para sa gold medal si Nesthy Petecio sa women’s featherweight division habang sasabak si flyweight Carlo Paalam sa quarterfinals at sasalang sa semifinals si middleweight Eumir Felix Marcial sa Huwebes sa Olympics boxing competitions.

Nakatakda namang pumalo bukas sina 2021 US Women’s Open champion Yuka Saso at Bianca Pagdanganan sa women’s golf tournament.

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with