_ngayon
^

PSN Palaro

Buong Pilipinas nakatutok sa laban ni Petecio

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tututok ang buong sambayanan sa laban ni Nesthy Petecio kung saan puntirya nitong maibigay sa Pilipinas ang ikalawang gintong medalya sa Tokyo Olympics.

Nakatakdang sagupain ng 29-anyos na si Petecio si Sena Irie ng Japan sa women’s featherweight gold medal match sa alas-12:05 ng tanghali (oras sa Maynila) sa Kokugikan Arena.

Kaya naman inaasahang marami ang mag-aabang na mga Pilipino sa labang ito ni Petecio kabilang na ang kanyang mga kababayan sa Davao del Sur.

May kani-kanyang viewing session ang ilang kababayan nito sa Davao kung saan bago ang laban, sama-sama ang ilan sa pananalangin upang makuha ni Petecio ang ginto.

Nangunguna na ang mga magulang ni Petecio na sina Teodoro at Prescilla na abot langit ang panalangin para sa laban ng kanilang anak.

“Masaya ako pero alam ko na yung mga suntok ng kalaban kayang kaya niya. May mga basics naman sa laban at nagtitiwala ako sa mga coaches niya,” ani Teodoro.

Magkahalong kaba at excitement ang ang nararamdaman ng mga magulang ni Petecio subalit tiwala ito sa kakayahan ng kanyang anak na mapagtatagumpayan nito ang laban.

“Ito na yung pangarap ko nung kabataan ko. Kung sakaling makuha niya ang gold medal, natupad na rin ang pangarap ko at ng buong Pilipinas,” ani Teodoro.

NESTHY PETECIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with