_ngayon
^

PSN Palaro

Green excited na irepresent ang Pilipinas sa NBA

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Green excited na irepresent ang Pilipinas sa NBA
Jalen Green
STAR/File

MANILA, Philippines — Kahit nasa NBA na, hindi pa rin nakakalimutan ni Filipino-American Jalen Green ang pagkakaroon nito ng dugong Pinoy.

Sa katunayan, ipinagmalaki pa nito na excited na itong irepresent ang Pilipinas sa NBA matapos maging second pick overall ng Houston Rockets sa ginanap na NBA Rookie Draft noong nakaraang linggo.

Alam ni Green ang laki ng fanbase ng NBA sa Pilipinas.

At naniniwala ito na bubuhos ang suporta sa kanya sa liga mula sa Pinoy fans sa iba’t ibang panig ng mundo.

“Man I’m always excited to represent the Philippines. I can’t wait to meet everybody and see the fans. It’s gonna be exciting,” ani Green.

Magka-teammate sana sina Green at Kai Sotto sa Ignite sa NBA G League.

Subalit hindi nakapag­laro si Sotto sa G League dahil sa quarantine protocols na ipinatutupad ng liga na noon ay pumasok sa full bubble sa Orlando, Florida.

Si Green ang ikalawang aktibong Filipino-American player sa NBA.

Makakasama nito sa liga si Sixth Man of the Year awardee Jordan Clarkson ng Utah Jazz.

Sa kabuuan, may tatlong Filipino-American players na nakapaglaro sa NBA.

Maliban kina Clarkson at Green, nasilayan na sa aksyon si Raymond Townsend na nakuha ng Golden State Warriors noong 1978 sa NBA Roo­kie Draft.

JALEN GREEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with