_ngayon
^

PSN Palaro

Pagsisikreto ni Diaz ng training nagbunga!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pagsisikreto ni Diaz ng training nagbunga!

MANILA, Philippines — Nagbunga ang pagtatago ni Hidilyn Diaz ng sikreto nito upang gulanta­ngin ang kanyang mga karibal sa Tokyo Olympics kabilang na ang matinik na Chinese rival nito.

Matamis na nasungkit ni Diaz ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympic Games nang pagreynahan ang women’s 55-kilogram division tangan ang bagong Olympic record.

Matatandaang nagkasya lamang sa ikaapat na puwesto si Diaz sa Asian Weightlifting Championships noong Abril matapos magtala lamang ng 94kgs. sa snatch at 118kgs. sa clean and jerk.

Subalit ginulat ni Diaz ang lahat nang bumanat ito ng 97kgs. sa snatch at 127kgs. sa clean and jerk para angkinin ang gintong medalya.

“Siguro mahina ang ti­ngin nila sa akin. Kasi for how many competition na, ang total ko lang is 214, 215, 212. Hindi nila nakita ‘yung best ko. Nung naglaro na, nabigla sila na malakas na ko,” ani Diaz sa Headstart.

Masaya si Diaz na nagbunga ang lahat kabilang na ang pagtatago nila ng sikreto. Isang Chinese coach ang gumagabay kay Diaz sa ngalan ni Gao Kaiwen.

Naging tikom ang bibig ni Gao sa mga scouting reports kung saan hindi nito sinabi sa Chinese team ang mga rekord ni Diaz sa training.

Kaya naman namangha ang Chinese squad sa lakas na inilatag ni Diaz sa Tokyo Olympics.

“Hindi makapaniwala ‘yung China na ganito na ako kalakas. Even si Coach din, hindi niya shinare sa China. Medyo nagalit din ‘yung China sa kanya kasi hindi niya na-share kung ganu na ko kalakas. Sabi ko nga, bakit mo i-sheshare?,” ani Diaz.

Malalim ang karanasan ni Gao na siyang tumulong kina 2008 Beijing Olympics gold medalist Chen Xiexia at 2012 London Olympics gold medalist Zhou Lulu.

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with