_ngayon
^

PSN Palaro

Doncic bumida sa panalo ng Slovenia kontra Japan

Pilipino Star Ngayon

SAITAMA, Japan — Kumolekta si star guard Luka Doncic ng 25 points, 7 rebounds at 7 assists at nagdag­dag si Zoran Dragic ng 24 markers para igiya ang Slovenia sa 116-81 paggupo sa Japan sa Tokyo Olympics men’s basketball tournament kahapon.

Nag-ambag si Vlatko Cancar ng 16 para sa 2-0 record ng mga Slovenians na tinalo rin ang mga Japanese sa rebounding, 54-33, at sa assists, 27-15.

Isa si Pinoy referee Bong Pascual, ang supervisor ng mga referees sa PBA, sa mga namahala sa nasabing laro.

Kinuha ng Slovenia ang 29-23 abante sa first quarter patungo sa pagtatala ng 53-41 kalamangan sa halftime bago ikinasa ang 14-point lead sa fourth period.

Binanderahan ni power forward Rui Hachimura ang Japan sa kanyang 34 points at 7 rebounds kasunod ang 17 markers ni Yuta Watanabe.

Samantala, lalabanan ng nagdedepensang Team USA ang Czech Republic bukas para sa kanilang ikatlong laro.

Matapos magulat sa mga Frenchmen, 76-83, noong Linggo ay minasaker naman ng mga Americans ang mga Iranians, 120-66, noong Miyerkules tampok ang pitong three-pointers ni Damian Lillard para tumapos na may 21 points.

LUKA DONCIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with