_ngayon
^

PSN Palaro

Jumper ni Santos nagsalba sa San Miguel vs Northport

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Jumper ni Santos nagsalba sa San Miguel vs Northport
Arwind Santos
Rick Olivares

MANILA, Philippines — Hindi inakala ng San Miguel na makakabalik ang NorthPort mula sa 16-point deficit sa third period.

Mabuti na lamang at naroon si veteran Arwind Santos para iligtas sila.

Isinalpak ni Santos ang kanyang game winning 15-footer sa nalalabing 1.2 segundo para itakas ang Beermen laban sa Batang Pier, 88-86, sa 2021 PBA Philippine Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Tumapos si Santos na may 17 points, 5 rebounds at 3 blocks para sa ikalawang sunod na ratsada ng San Miguel sa tatlong laro.

“That’s what I’m expec­ting from,” sabi ni coach Leo Austria sa 40-anyos na si Santos. “And the ve­terans stepped-up tonight.”

Binanderahan ni CJ Perez ang Beermen sa kanyang 18 markers at nag-ambag sina Alex Cabagnot, Mo Tautuaa at June Mar Fajardo ng 16, 11 at 8 markers, ayon sa pagkakasunod.

“Thank you nanalo kami at sana dire-diretso na ang panalo namin,” wika ni Santos. “Sana ma-maintain namin ito dahil hindi namin kailangang maging over confident.”

Kumolekta si Greg Slaughter ng 23 points at 17 boards sa panig ng Batang Pier at naglista si Robert Bolick ng 19 mar­kers, 8 rebounds, 6 assists at 2 steals.

Mula sa 63-79 agwat sa third quarter ay bumangon ang NorthPort para itabla ang laro sa 86-86 mula sa technical free throw ni Bo­lick sa huling 7.3 segundo ng fourth period.

Ipinasok naman ni Santos ang kanyang jumper galing sa pasa ni Marcio Lassiter sa nalalabing 1.2 segundo para sa 88-86 abante ng San Miguel.

Naging impresibo ang pagbabalik sa aksyon ni Slaughter matapos ibigay ng Barangay Ginebra sa NorthPort kapalit ni 6’8 Fil-German Christian Standhardinger.

Ang dalawang magkahiwalay na basket ni Slaughter ang nagdikit sa Batang Pier sa Beermen bago ang foul shot ni Bo­lick mula sa technical kay Santos dahil sa pagsiko sa panga ni Sydney Onwubere.

SAN MIGUEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with