_ngayon
^

PSN Palaro

Creamline pinatatag ang kapit sa liderato

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi umubra sa lakas ng nagdedepensang Creamline ang PLDT Home Fibr, 25-16, 25-12, 25-13, para mapatatag nito ang kapit sa solong pamumuno sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Muling naasahan ng Cool Smashers si three-time UAAP MVP Alyssa Valdez na pumalo ng 16 puntos upang dalhin ang kanilang tropa sa ikaapat na sunod na panalo.

Nagsumite naman si Michele Gumabao ng siyam na puntos kabilang ang apat na blocks habang nagrehistro si Jema Galanza ng walong puntos, 13 digs at siyam na receptions.

Nakatulong din si middle blocker Celine Domingo na humalili muna sa nabakanteng puwesto ni Jeanette Panaga na nagtamo ng ankle sprain sa kanilang huling laro.

Nakalikom si Domingo ng anim na puntos.

“Expected naman ang contribution ni Celine. Same naman din tine-trai­ning nila everyday. Maganda ipinakita ni Celine sana magtuluy tuloy contribution ng bench,” ani Creamline mentor Sherwin Meneses.

May pito hanggang 10 araw pa ang kailangan ni Panaga para gumaling ng gusto ang injury nito.

“Si Celine even in practice aggressive, energy wise also alam naman natin very young yung eagerness yun talaga isa sa mga gusto namin sa mga bata,” dagdag ni Valdez.

Nananatiling walang panalo ang PLDT sa apat na pagsalang.

Walang miyembro nito ang nakakuha ng double figures kung saan tanging pito lamang ang nagawa ni top scorer Isa Molde.

Hindi pa nakatulong ang 21 errors na nagawa ng Power Hitters.  

PVL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with